Sa araw na ito, hayaan ninyong gumawa ako ng isang artikulo na ang aking gamit ay ang ating wikang Pambansa, Filipino.
Map of the Philippines |
Ang buwan ng Agosto ay ang tinaguriang Buwan ng Wika ng Pilipinas. Ipinagdiriwang ito sa buwan ng Agosto dahil sa ang ika-siyam ng Agosto 1878 ay isinilang ang ating "Ama ng Wikang Pambansa" na si Manuel Luiz Quezon.
Ayon naman kay Dr. Jose Rizal: “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.”
Ang Wikang Filipino ay ang pambansang wika ng Pilipinas at hindi ang Tagalog o Pilipino. Madalas na sinasabi natin ay Tagalog dahil ito ang nakagawian na, subalit ang tamang gamitin ay wikang Filipino.
Ang Tagalog ay tumutukoy sa dayalekto ng mga taong naninirahan sa Metro Manila at karatig lalawigan nito o maaari ring sa mga tao mismo.
Ang salitang Pilipino naman ay ang lokal na katawagan sa mga tao sa Pilipinas. Samatalang, ang Filipino ay ang opisyal na katawagan sa pambansang wika ng Pilipinas.
Dapat na malaman ito hindi lamang ng mga estudyante bagkus ng mga ama at ina. Sa pamamagitan ng ating wika ay nagkakaunawaan ang mga Pilipino. Mahalaga sa isang Pilipino na marunong siyang magsalita ng kanyang wika kahit na siya ay nasa ibang bansa lalo pa at may mga Pilipino sa kanyang ginagalawang pamayanan.
Ang Wikang Filipino ay sinasabing kaluluwa ng ating bansa. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga tao.
Hayaan ninyong handugan ko kayo ng isang awitin ni Florante de Leon, “Ako’y Isang Pinoy”
Mabuhay ang Pilipino! Ipalaganap ang wikang Filipino!

No comments:
Post a Comment