PAGASA WEATHER UPDATE AS SHOWN IN THE SATELLITE IMAGES DURING THE PRESS CONFERENCE ON JULY 15, 2019 11:00 AM. |
Ayon sa mga namumuno ng PAGASA, kailangan natin ang mga pag-ulan, dahil magiging maganda ang mga benepisyo nito sa ating bansa. Dahil nga sa mga nakalipas na linggo, narananasan ang kakulangan natin sa tubig. Ito ay dahil mas mababa na sa standard na dami ng tubig sa Angat Dam.
May southwest monsoon o habagat na mararanasan sa buong kapuluan. Maaari ring magdulot ng pagbaha at mga landslides.
Makakaapekto ito sa Luzon, ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Ang mata ng bagyo ay nasa Virac, Catanduanes.
Maaaring umabot ng 60 kilometro bawat oras ang bilis ng bagyo sa Casiguran.
Nakita rin ang makapal na kaulapan sa Doppler radar, papuntang rehiyon ng Bicol.
Sa hilaga at gitnang Luzon ay may bugso ng habagat.
Maaaring lumakas at maging tropical storm din ito.
May katamtaman at malakas na pag-ulan, may pagkidlat at panaka-nakang pagbugso ng hangin sa Bohol at sa Southern Leyte.
May biglang buhos sa madaling araw kaya maging laging handa.
Sa Mindanao, may Thunderstorm advisory no 1, ng may pagkulog at pagkidlat. Ang nga apektadong lugar ay ang Camiguin, Cotabato, Surigao del Norte, Surigao City, Dinagat Island, Davao Orental, Davao City at Sultan Kudarat
Para sa mga mangingisda at mga maglalakbay sa karagatan ng mga lugar na nabanggit ay pinapayuhang ipagpaliban ito hanggang sa tuluyang umayos ang ating panahon.
Sa araw ng Martes at Miyerkules ay may mga pag-ulan pa ring mararanasan subalit hindi ito aabot sa kinakailangang 300 mm para mapunan ang kakulangan ng Angat Dam at sa Huwebes inaasahang paalis na ang bagyo sa Philippine area of responsibility.
Bago matapos ang taon, inaasahang may sapat na tubig na ang Angat Dam, yan ang banggit ni Dr Esperanza Cayanan, hepe ng Weather Division ng PAGASA.
Gabay lamang ang mga forecast na ito at maaaring magbago.
Ang Pilipinas ay may 20 bagyo taun-taon, ngunit ngaying 2019 ay may El Nino kaya maaaring maging 14 hanggang 18 ang inaasayang bagyo sa ating bansa.
Ito ang potensyal na dami ng bagyo na maaaring dumating sa ating bansa ayon sa istatiska ng PAGASA: Hulyo 2/3, Agosto 2-4, Setyembre 2-4, Oktubre 2/3. Nobyembre 1-2, Disyembre 0/1
Nagsimula na ang panahon ng Tag-ulan noong Hunyo 14.
@@@@@@
Like, comment, share our Facebook.com/pinoyvision
No comments:
Post a Comment