Monday, May 13, 2019

Desisyon ng Bayan 2019

Isang mapayapang eleksyon ang naganap sa aming pamayanan at nakatapos sa pagboto nang maayos at tuluy-tuloy dito sa Horacio dela Costa Elementary School, Caloocan City.


Sa umpisa ay napakahaba ng pila. Inuna muna ang mga "senior citizen" at mga "PWD" o ang mga "persons with disabilities." Kalaunan ay madali namang naisaayos ang organisado at semi-computerized na pagboto na ginamit ang makinang Smartmatic sa aming lugar.

Umabot ang pila mula sa ibabang hagdan hanggang sa sumunod na palapag ang haba ng pila sa paaralan ng Horacio Dela Costa, Caloocan City.


Marami pa rin ang naliligaw subalit mayroon palang impormasyon na ibinibigay ang DICT o ang Department of Information and Communication Technology upang ipaalam sa atin kung saang presinto tayo dapat bumoto. Ito ay makakatulong para mabawasan ang proseso na pumila pa at itanong kung nasaang presinto ka buboto. Alam mo ba yun?


Tanda ng pagboto ang tintang ito sa kanang daliri ng bumoto.



May mga regulasyon ang Comelec na "Mga Bawal sa Botohan" na ipinapaalam na rin sa loob at labas ng presinto. Gaya ng mga sumusunod: BAWAL ang...
1.  Gumamait ng cellphone o kahit anong gadget habang bumuboto.
2.  Ilabas ang balota, ballot secrecy folder, marking pens sa labas ng botohan.
3. Makipag-usap kahit kanino man maliban sa EB habang nasa loob ng botohan
4.  Magshade ng balota na hindi ginagamit ang ballot secrecy folder
5.  Mag shade sa balota na may kasamang ibang  tao maliban sa mga botanteng mangangailangan ng assistor gaya mng illiterate at PWD.
6.  Bawal kuhanan ng litrato o ilabas sa polling precinct ang Voters Verification Paper Audit Trial (VPAT) o Vote Receipt 

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga mahahalagang bagay na ipinagbabawal sa panahon ng pagboto.

Mga Pagkasira ng mga Makina ng Comelec at Iba Pa 

Ayon sa tweet ni Senador Sherwin Gatchalian, may 600 VCM ang hindi gumana, mga 1000 SD card at mga transparency server na nag-malfunction.  Naglaan ang Kongreso rito ng P10 B para sa maayos na eleksyon subalit maraming hindi magandang resulta ang naganap sa kabuuan ng mga makinang nabanggit.  

Dahil dito marami sa mga netizens ang nagrereklamo pati na rin ang Chairman ng Comelec ay isa sa mga iniuugnay sa mga problemang ito.



Mga Nangungunang 12 Senador 


Ang mga nangungunang 12 Senador sa "partial" at "unofficial" counting ng Comelec (Mayo 13, 2019 - 6:05 p.m.) ay ang mga sumusunod na ito rin ay nakalagay sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV):

1. Cynthia A. Villar (93,660)

2. Grace Poe-Llamanzares (83,258)
3. Christopher “Bong” T. Go
4. Pilar Julianna “Pia” S. Cayetano
5. Ronald “Bato” M. Dela Rosa
6. Juan Edgardo “Sonny” M. Angara
7. Maria Imelda Josefa “Imee” R. Marcos
8. Manuel “Lito” M. Lapid
9. Francis N. Tolentino
10. Maria Lourdes “Nancy” S. Binay
11. Ramon “Bong” Revilla, Jr.
12. Joseph Victor “JV” G. Ejercito

Ang pagbibilang na ito ay ayon sa 330 sa kabuuang 85,769 na presinto.




@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@@

LIKE, COMMENT AND SHARE OUR FACEBOOK FANPAGE Facebook.com/pinoyvision

Drop comment/s below and share!
Let us feature your business, your events or yourself,

Contact us. You may send us a private message at Facebook.com/pinoyvision

We welcome advertisers in our site.

No comments:

FOOD | High-end Korean restaurant Chung Dam's third branch opens at Parqal Mall

PARANAQUE CITY – The taste of the best Korean cuisine is now here, on its third branch - Chung Dam Restaurant . We witnessed the grand ope...